Ang Aming Opinion Tungkol Sa Mga Hayop Bilang Tauhan

                                   

     Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga hayop o kaya’y mga bagay na walang buhay ang siyang mga tauhan sa istorya. Ginagamit na hayop ang tauhan upang maging simbolismo ng isang bagay o tao. Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at nagwawakas ang kwento na nagwawagi ang may mabuting ugali.


Sa palagay ko karapat dapat ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa pabula dahil marahil hindi pabula ang pabula kung walang hayop. Pwede itong gamitin sa eskwelahan para maturuan ng tamang asal ang mga bata sa henerasiyong ito lalo na may mga nausong technolohiya bilang angkop ito sa mga kabataang mambabasa na nagnanais ng kagiliw giliw na kuwento.


               Marahil sa bagong henerasyon mayroong posibilidad na hindi nila ito magustuhan ngunit ang importante ay ang aral sa likod ng kuwento. Maaring sanay sa kuwentong dayuhan ang mga kabataan ngayon ngunit ang mga pabula ay bahagi na ng ating pang araw araw na pakikipagusap. Makatutulong din ito na maging pamilyar at bihasa sila sa ating sariling wika at kultura.


               Ang pabula ay maaring magbigay aliw sa mga bata dahil ang mga karakter sa kwento ay mga hayop. Di lamang ito magbibigay aliw, kundi magbibigay ng mga aral at mas maeenganyo silang  gayahin and mabuting asal ng mga karakter na hayop.



Comments